Ang Mag-aaral sa Programang Pandangal
Isang buwan na ang nakalilipas nang sumulat ako rito, at sa loob ng buwang iyon, ako ay niyanig ng iba't ibang mga pangyayari, lalo na sa loob ng programang pandangal sa Filipino (2-M). Ang inaakala ko'y sa asignaturang Filipino lamang ako mahihirapan nang lubos, pero ang nangyari'y nahirapan din ako sa mga asignaturang hindi ako nahirapan noon: Siyensiya, Relihiyon, Araling Panlipunan, halos lahat! Ma-drama, hindi ba?
Hindi ko isinulat ang kaisipang ito upang maawa kayo sa akin. Isinulat ko ito upang malaman ng mga kabataang nasa kalagayan rin ng paghihirap na hindi kayo nag-iisa. Heto ako, o. At kaya natin ito, 'tol! Walan dahilan upang tayo'y hindi magtagumpay. Talagang wala! WALA! WALA! WALA!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home